080 - Ang Panginoo'y Nanaog sa Lupa

LupaAng Panginoo'y nanaog sa lupa
Taglay ang sugo ng awa;
Subali't Siya'y inamis, inaba
At inapi at kinutya.

REFRAIN

Pinahirapan, hinampas inuyam,
Pinakuan sa paa't kamay,
Nguni't ang masaklap, mahapdi sa lahat
Ay ang nasa pusong sugat.

Kanyang hinahanap sa sariling Kanyang
Nangaliligaw na tupa;
Nguni't ang tawag at anyaya Niya
Di nila inalumana.

REFRAIN

Pinahirapan, hinampas inuyam,
Pinakuan sa paa't kamay,
Nguni't ang masaklap, mahapdi sa lahat
Ay ang nasa pusong sugat.

Siya ay hindi ko maitatakwil;
Puso ko'y di makaamin;
Dudulog ako't sa Kanya'y hihingin,
Ang sala ko'y patatawarin.

REFRAIN

Pinahirapan, hinampas inuyam,
Pinakuan sa paa't kamay,
Nguni't ang masaklap, mahapdi sa lahat
Ay ang nasa pusong sugat.

0:00 0:00